fallenangel

How life works out..

Sunday, June 3, 2012

Move on

Pwede bang MAGMOVE ON KA NA?!


Hay.. DRAMA dito, drama doon! pwede ba! manahimik ka at magmove on ka na lang?? 



MOVE ON

ano nga ba ang ibig sabihin ng move on? ang ibig sabihin niyan, paglimot sa mga nakaraan mo sa isang tao o kaya naman ay pagpapalaya mo sa nakaraan mo.. hindi naman kasi pwedeng lagi mong naaalala, dba? kaso may mga ibang tao din na sasabihin na magmomove on na ako.. tapos isang araw na naman maririnig mo.. "hindi talaga ako makamove on naaalala ko kasi siya!" alam mo.. hindi naman kasi mahirap magmove on.. kung ikaw mismo gugustuhin mong kalimutan yung tao na yun, makakalimutan mo.. kaso minsan hindi mo na kasalanan kung bakit mo siya naaalala, dba? pag naririnig mo ung mga kanta na nagpapaalala sa kaniya, ung mga bagay na binigay niya sa iyo at ung mga dati niyong pag-uusap.. ay talagang maaalala mo siya ng maaalala.. pero sa lahat ng bagay may solusyon hindi pwedeng wala.. sa mga ganiyang paraan, kailangan mo na ng lakas ng loob at utak, hindi pwedeng PUSO lagi! saan ka pupulutin niyan? eh malamang sa kangkungan! 


"LEARN TO MOVE ON"

Hindi pwedeng hindi ka magmomove on, san ka pupulutin niyan? eh malamang sa kangkungan, hindi naman kasi pwedeng lagi kang mag-eemote diyan! uupo ka sa isang tabi.. iiyak-iyak ka diyan. walang mangyayari sa iyo pagganon.. dapat maging masaya ka sa buhay mo, hindi pwedeng malungkot ka parati! kelangan diyan ay lakas ng loob sa paglimot sa tao na yon, kasi walang mangyayari talaga sa iyo kung hindi mo siya kakalimutan.. 



mahirap ding mag move on lalo na kung may nararamdaman ka pa din para sa kaniya, paano kung may iba na siya? magpapakamartyr ka at magpapakatanga para lang antayin na bumalik siya? ay nako pwede ba! wag kang MAGPAKATANGA, yan ang hirap sa mga tao ngayon, nagpapakatanga sa isang tao na alam na ngang wala ng pag-asa bumalik.. may mga ibang tao naman na may mahal na nga ung ibang tao pinagpipilitan pang ipagsiksikan sarili niya kahit na alam niya na ngang siya ang magiging bunga ng paghihiwalay nung dalawa.. magiging source ka pa ng away eh.. kaya ang mas maigi pa DUMISTANSIYA KA NA LANG AT MANAHIMIK KA SA ISANG TABI, AT ANTAYIN MO YUNG PARA SA IYO! 

eh paano kung pareho kayong nag-iintayan? simple.. sabihin mo sa tao na yun na may gusto ka sa kaniya at mahal mo siya, NOW A DAYS, BAWAL NA ANG PATORPE TORPE baka kasi kung kelan na huli ang lahat ang kakahantungan mo.. NGANGA ka.. 






No comments:

Post a Comment