fallenangel

How life works out..

Wednesday, April 22, 2015

The Adventures of the Burgess Girls

Burgess Life in 5 Days


Sari-saring kagaguhan at kabulastugan ang inyong mababasa sa blog na ito. Mga ka-epican ng bawat isa sa amin ang inyong mababasa. Maraming mga nakakatawang pangyayari ang aming mga naranasan sa 5 araw na magkakasama kami. 


Warning:

Ito pong blog na ito ay may mga halong kabastusan at murahan. At kung kayo po ay masyadong konserbatibo at hindi sanay sa mga ganitong babasahin ay mararapat lamang po na wag niyo na lang pong itong buksan at basahin. Hindi po namin kinakailangan ng mga manlalait. Haha! Anyway, I hope maenjoy niyo yung pagbabasa nito. 

Burgess Life Day 1: Night Swimming

Sunday. Abril 19, 2015. Yun ang araw kung saan nagsimula ang mga kaganapan, dumating ang aking mga kabarkada ng mga bandang hapon na. Siyempre, nagmula pa sila sa dorm namin doon sa Quezon City at take note ang first epic moment nila ay yung hindi sila nagpaalam sa kanilang mga magulang. Medyo bad-ass no? (Note: Kids do not try this at home. Huwag silang tutularan ha?) Sinundo ko pa sila sa mall, wala eh. Mga pa-chicks eh. Sabagay, hindi nila alam kung saan yung bahay namin pero pwede namang itanong na lang sa akin diba para sila na lang ang pumunta sa bahay. May tricycle naman. *sigh* Well, hayaan mo na.. Na-enjoy ko din naman yung pagsundo sa kanila. 

Ayun na nga, papunta na kami sa aming bahay.. Ay nako talaga naman, hindi talaga mawawala sa kanila ang pagiging mareklamo pero nakakatawa naman. Hindi naman nakakainsulto, eh totoo naman kasi yung sinasabi nila. Hindi din mawawala sa kanilang dalawa yung pagsabi nila ng salitang "BURGESS". Hindi ko nga lang alam kung aware ba sila doon sa ibig sabihin nung word na iyon. Sinearch ko pa yung meaning nun eh, pero hindi ko na kailangang ipaliwanag yun. Haha! Nakakatamad eh. Anyway, nakarating na nga kami sa bahay namin.. At eto na naman kami, lumabas na naman sa kanilang bibig ang salitang burgess.. Ewan ko ba sa mga ito, mukhang magiging word of the year pa nga iyon. Nakakatuwa lang kasi alam ko namang mamimiss ko din yung mga kalokohan nila dahil nga sa pagkakakaalam ko ay hanggang Monday or Tuesday lang sila. 

Tinour ko sila sa bahay namin.. Humiga muna sila sa sofa namin para magpahinga.. Dahil parang mga kapatid ko na sila, feel at home. Haha! Pagkatapos nun ay umakyat na kaming tatlo para makapag-ayos na kami ng mga gamit namin. At siyempre, hindi mawawala ang 2nd epic moment nilang dalawa. Pang-dalawang araw lang ang kanilang mga dalang panty. Oh ha? Saan ka pa? (Note: Paalala lang po, kung hindi po kayo masyadong sigurado kung ilang araw po kayo titigil sa ibang bahay. Magdala na kayo ng 10 panty para makasigurado po kayo. Matuto po tayo sa pagkakamali nilang dalawa.) Nag-ayos na nga kami ng gamit namin para sa aming night swimming at siyempre mga excited kami. As in, sobrang excited na lumubog sa tubig at magpalutang lutang sa pool. At ang habol nila ay mga boylets. Well, tingnan natin kung may mga boylets nga ba. 

Nakarating na nga kami doon sa resort. Pagabi na din naman kasi nung umalis kami ng bahay, kaya nung dumating kami doon mga 6 or past 6 na. Siyempre, excited na kaming magswimming kaya naghanap na kami agad ng shower room para makapagpalit na kami at lumubog sa pool. Nung pumasok na kami mismo doon sa swimming area, pumunta kami agad sa may shower room at nagpalit agad. Pagkatapos naming mag-ayos, labas kami agad ng shower room at pumunta na sa pwesto namin para ilagay ang aming mga gamit. At pagkalagay ng aming mga gamit..... I CAME IN LIKE A WRECKING BALL! 
Talon kami agad sa pool. Ang expected nga namin ay malamig yung tubig ngunit kami ay umasa dahil walang hiya! Mainit yung tubig! Pakshet! Pati ba naman yung swimming pool nagpapaasa? Lahat na lang ba magiging paasa? Wala na bang bagay sa mundo ang hindi magiging paasa sa buhay na ito? (OH SIGE DAY! DRAMA PA DAY.) 

Pagkatapos ng lahat ng kasiyahan sa pool ay oras na para kami ay umuwi. Hindi ko alam kung pagod ba talaga tong dalawa na to? o ano eh. HYPER, akala mo mga nakadroga. At.. Narinig ko na naman ang BURGESS. Akala nga namin yun na yun.. BUT WAIT.. THERE'S MORE! 
nagpintig ang tenga ng mga roommates ko ng magtanong sa amin si daddy kung nakapunta na ba sila ng Tagaytay. Malamang lamang dahil excited ang mga babaita, may nagsabi ng oo pero isang beses pa lang tapos may nagsabi naman ng hindi. Oh edi, extended na naman ang pagstay nila sa amin. At alam ko naman na yung adventure naming tatlo ay nagsisimula pa lang. ;)



Day 1: Night Swimming.