Bored ka? Wag ka ng magmahal
Written by: FrostArcher
Ito ang problema sa panahon ng pag-iibigan ngayon. Mamahalin ka dahil bored lang sila, gagawin ka lang nilang libangan tapos pagsawa na at hindi na sila masaya sa iyo, goodbye ka na lang, get out of my life ka na. Saklap dba? Well, ganiyan talaga ang buhay. Ginagawa mo naman ang lahat pero may mga taong di nasisiyahan, naghahanap pa ng iba. Di marunong makuntento sa iisang tao. Kumbaga, option ka lang. Maaalala ka lang nila pag kelangan ka nila kasi bored sila at wala silang mapaglibangan tapos pag okay na, who you ka na ulet. Gaguhan diba? Tibay no? Sarap soplakin ano po?
Anyway, hindi lang naman yan yung concern natin dito eh. Marami pa tayong mga kailangang malaman, bakit yung mga taong seryoso sila pa yung mga nasasaktan, niloloko at higit sa lahat iniiwan? Eh kung tutuusin nga halos lahat binibigay na ng mga yan, halos lahat ginagawa na nila para sa mga taong mahal nila tapos iiwan lang? lolokohin lang? Sasaktan lang? Aba'y kagaguhan yan at ang tanga mo naman kung gagawin mo yan. Andiyan na yung taong handang gawin ang lahat o! Tapos maghahanap ka pa ng iba? Lolokohin mo pa? Gago ka din ano? Magaling magaling! Tibay mo! Tigas ng mukha mo! Andiyan na yung taong magpapasaya sa iyo, pagsasawaan at iiwan mo pa? Edi wow! Bakit? Tingin mo ba yang ipinalit mo sa kaniya kaya niyang gawin ang lahat? Tulad ng pagmamahal sa iyo nung iniwan mo? May assurance ka? Wala dba?
Diyan na pumapasok yung humahabol mong ex, siyempre mahal ka at hindi mo binigyan ng maayos na explanation. Wala siyang maintindihan, malamang hahabulin ka nga niya lalo pa't wala siyang assurance sa bago mo. Talagang ipupursige niyang habulin ka, assuming na mababawe ka niya. Kasama na din diyan yung throwback Thursday at flashback Friday. Minsan pa nga kahit di yun yung araw na yun nagtothrowback at nagfaflashback sila. Hoping na mababago niya yung isip mo, but you on the other hand ay iba na ang laman ng puso't isip mo. Ang kalalabasan nun, magagalit ka sa kaniya at sasabihin mong lumayo na siya sa iyo. Siyempre habang sinasabi mo yun, di mo maiiwasang wag magsabi ng mga masasakit na salita lalo na kung huhusgahan ng ex mo no? Kapal ng fez dba? Honestly speaking, may karapatan sila dahil sila yung mga taong may matagal na kayong pinagsamahan. Masasaktan sila pag sinabi mo sa kanilang wala silang karapaan na pakialaman ka. Ang sarap nga nun eh, yung ex mo hinahabol ka pa din kasi may pakialam pa din sila sa iyo at mahal ka pa din pero siyempre, nakakairita din yung mga habol ng habol sa iyo.
Sinusulat ko to sa kadahilanang pinagdaanan ko ito, both sides. Nang-iwan at ako at iniwan din ako, am I a hypocrite dahil sa mga sinusulat ko? Siguro nga pero walang masama sa mga sinulat ko dba? Kasi naiintindihan ko yung side ng iniwan, alam ko kung gaano kasakit ang maiwan lalo na kung napakababaw ng rason. Naiintindihan ko din yung panig ng nang-iwan dahil dumadating din sa point yung makakaramdam ka ng pagkasawa. Natural lang naman yun pero asahan mo na ang paghahabol blues ng iniwan mo. At asahan mo na ang kanilang mala-nobelang emote status, chat at text. Been there done that.
Ang masasabi ko sa mga iniwan, depende yan sa ginawa mo. Kung iniwan ka dahil nagsawa na sa iyo ay katarantaduhan yung rason na yan at kung iniwan ka naman dahil may kasalanan ka naman pala. Deserve mo na yan... Kung hindi ka ba naman tarantado at sira ulo ano? Napagod na yan sa mga kagaguhan mo kaya sumuko na yan sa iyo. Kaya wala kang karapatan mag-emote diyan kasi kasalanan mo din kung bakit ka iniwan, gago!
At ang masasabi ko naman sa mga nang-iwan, depende din yan sa sitwasyon. Kung nang-iwan ka dahil nagsawa ka sa kaniya, isa ka pang PRANING! Andiyan na yung taong sobrang mahal ka at ginagawa na ang lahat para sa iyo tapos iniwan mo pa?! Abnoy ka. At kung nang-iwan ka dahil pagod ka na sa mga pananakit at panggagago niya, okay lang yan dahil ginagawa mo lang kung ano ang tama.. Cheers my friend! At least diba? Sa hinaba haba ng panahon na nagpakatanga ay nahihimasmasan ka at nagising sa katotohanan diba? Congrats sa iyo! Pero madalas dahil nga mahal mo, pinapatagal mo pa bago iwanan kasi BOTTOMLINE mahal mo, nagpapakamartir ka pa. Kumbaga Jose Rizal ang PEG mo for short nagpapakabayani ka sa taong di deserving.
Lahat ng sinulat ko dito ay pawang katotohanan lamang galing sa isang taong pinagdaanan ito. Narerelate mo ba ang sarili mo sa isa sa mga sinabi ko? Ayos lang yan, lahat naman tayo pag nagmahal ay pinagdadaanan ito. Natural lang ang masaktan pero wag uugaliing makasakit ng taong nagmamahal ng totoo. Kasi mas matindi ang balik niyan sa iyo at para sa mga iniwan ng walang rason, pag may umalis may dadating.